-- Advertisements --
Ibinasura ng mga mambabatas ng Peru ang isang panukalang batas na magkakaroon ng advanced na halalan hanggang sa buwan ng Disyembre.
Ito’y matapos na bumoto sa ikatlong bid ang kongreso ng Peru upang isulong sana ang halalan mula Abril 2024 at gawin ito ngayong taon na isang hakbang na hinahangad ni Pangulong Dina Boluarte upang pakalmahin ang kaguluhan sa gitna ng mga protesta laban sa gobyerno.
Kung matatandaan, ang Peru ay nasangkot sa isang pampulitikang krisis mula noong Disyembre nang ang kanilang dating pangulo na si Pedro Castillo ay inaresto matapos tangkaing buwagin ang kanilang Kongreso.
Una ng nanawagan si Boluarte na isagawa ang halalan ngayong taon dahil sa mas umiigting na mga protesta sa nasabing bansa.