-- Advertisements --
Hinirang bilang bagong interim president ng Peru si Congressman Francisco Sagasti, 76.
Siya ang mamumuno ng nasabing bansa hanggang sa presidential election sa susunod na taon.
Tinanggal kasi sa kaniyang puwesto bilang presidente ng Peru si former President Martin Vizcarra dahil sa umano’y alegasyon na panunuhol.
Nagsagawa ng malaking protesta ang mga residente ng lugar upang ipanawagan ang pagbaba sa puwesto ni Vizcarra kung saan dalawa ang namatay habang marami ang sugatan sa nangyaring kaguluhan.
Ginawa ito ng mamamayan ng Peru upang mabawi raw ang katatagan ng kanilang bansa at matapos na ang nasabing bangungot.