Nagdeklara ng state of emergency ang Lima at tatlo pang ibang rehiyon dahil sa naganap na protesta laban kay Pangulong Dina Boluarte na kumitil umano ng hindi bababa sa 42 na buhay.
Ang panukala sa loob ng 30 days ay para mapanatili ang kaayusan at suspindehin ang ilang mga konstitusyon na nagpipigil sa kalayaan.
Saklaw ng state of emergency ang Lima, kabilang rin ang mga rehiyon ng Cusco at Puno, pati na rin ang Port of Callao na katabi ng kabisera ng Lima.
Ilang kalsada na rin at paliparan ang isinara dahil sa patuloy na protesta.
Matatandaan na unang sumiklab ang kaguluhan noong disyembre nakaraang taon, matapos mapatalsik si Castillo sa pwesto dahil sa pagtatangkang buwagin ang kongreso at sa maghari buong rehiyon.
Ang Peru ay nahaharap sa several fraud cases sa pulitika, kung saan ang 60-year-old na si Boluarte ang ikaanim na tao na humawak sa pagkapangulo sa loob ng limang taon.