-- Advertisements --

Halos triple ang itinaas ng COVID-19 death toll ng Peru kasunod ng inilabas na revised official statistics base sa datos mula sa Johns Hopkins University.

Ang death toll per capita ng Peru ang pinakamataas sa buong mundo base sa laki ng populasyon nito.

Mula sa 69,342 sumampa na sa 180,764 ang opisyal na bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus.

Sa bawat 100,000 katao, nasa mahigit 500 ang nasawi dahil sa deadly virus.
Ayon kay Prime Minister Violeta Bermudez na isinapubliko ang naturang impormasyon base sa payo ng international health experts.

May kaugnayan ang updated na bilang ng COVID deaths sa tinatawag na excess deaths figure na ginagamit ng mga researchers sa Peru at iba pang mga bansa.

Hindi na umano nakakagulat ayon kay Peruvian Medical Federation President Godofredo Talavera ang pagtaas ng death toll sa bansa dahil walang suporta ang gobyerno sa pangangailangan sa oxygen at intensive care beds ng mga ospital at kasalukuyang wala ding sapat na bakuna panlaban sa coronavirus.

Isa ang Peru sa mga bansa sa Latin America ang pinakamalubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic na nagdulot ng paglala ng healthcare system at kawalan ng oxygen tanks.