Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nananatiling suspendido ang operasyon ng “Peryahan ng Bayan” (PnB) sa gitna ng ilang reports ng pagpapatuloy ng mga operasyon nito sa iba’t ibang lugar.
Sa isang statement, ipinag-utos ni DILG Sec Eduardo Ano sa mga lokal na pamahalaan at Philippine National Police para i-monitor at paigtingin ang kampaniya laban sa iligal na aktibidad.
Batay sa DILG, may ilang lugar ang patuloy na nag-ooperate ng Peryahan dahil sa may ilang operators umano ang nagprepresenta ng writ of execution na inisyu ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 161 noong Enero 24, 2020 para payagan ng awtoridad ang kanilang operasyon.
Subalit noong Enero 29, 2020 nag-isyu ng isang memorandum si Executive Secretary Salvador Medialdea sa Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) para bigyang linaw ang pagbabalik ng operasyon ng Peryahan ng Bayan na ito ay nananatiling suspendido.
Ayon kay Ano nananatiling suspendido ang Peryahan maliban na lamang kung ang naturang order ay baliktarin ng parehong korte o korte na may mas mataas na hurisdiksyon.
Noong 2019, nagsagawa ang NBI ng imbestigasyon sa umano’y failure ng PCSO para sa pag-remit ngbilyong revenues mula sa mga operasyon ng Small Town Lottery at Peryahan ng Bayan.