BUTUAN CITY – Dapat lamang na imbestigahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang isyug may nagbibigay umano ng P100.00 sa bawat-rehistradong botante na pumirma o kaya’y pipirma pa sa laganap ngayong form sa kabaranggayan upang magamit sa sinusulong umano ng iilang mga mambabatas na charter change ng people’s initiative.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Constitutional law expert James Reserva na karapatan ng lahat ng mga indibidwal pati na ng mga organisasyon ang paglunsad ng signature campaign para sa nasabing hangarin ngunit kung ito ay may kasamang panunuhol, sanhi na binansagan ito ngayong ‘peso initiative’, ay kailangan na itong tututukan.
Ayon kay Atty. Reserva, ang naturang hakbang ay ilegal at paglabag sa Omnibus Election Code na hindi dapat papalampasin dahil makokonsidera umano itong vote buying an isang criminal offense.