-- Advertisements --
Lumakas pa ang Philippine peso kontra sa US Dollar dahil sa kakulangan ng demand bunsod ng global recession dulot ng coronavirus pandemic.
Ito na ang pinakamalakas na palitan ng peso sa loob ng apat na taon kung saan bawat $1 ay katumbas ngayon ng P48.92.
Noong November 10, 2016 ay nagsara sa P48.66 ang halaga ng peso kontra dolyar.
Ang malakas na peso ay nangangahulugan na makakabili ang Pilipinas ng imports sa mas magandang rates.