-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Agaw atensyon ngayong Undas sa dinarayong farm sa Daraga, Albay ang inilagay na pet cemetery.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Noemi Alamil del Fuerto, corporate manager ng Farm Plate, Abril lamang ng kasalukuyang taon ng gawin ang pet cemetery matapos na mamatay ang kanyang alagang si Liki.

Matapos ito, binuksan na ang pet cemetery para sa mga nais rin na magpalibing ng kanilang namatay na alaga kapalit ang kaukulang fee.

Sa ngayon, mayroon ng 10 aso at dalawang pusa ang nakalibing sa pet cemetery na binibisita at nilalagyan pa ng bulaklak ng kanilang mga amo.