-- Advertisements --
Hinikayat ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) ang Manila City Government na tuluyan ng i-retire ang lahat ng mga hayop na nasa Manila Zoo.
Ayon kay PETA spokesperson Jana Sevilla,na noon pa man ay kanilang ipinapanawagan ang pagretiro ng mga hayop sa Manila Zoo.
Bukod kasi aniya sa namayapang elepante na si Mali ay maraming mga hayop pa sa Manila Zoo ang nararapat na palayain na.
Umaasa rin ito na hindi na kukuha pa ang Manila City Government ng panibagong wild elephant na kapalit ni Mali.