-- Advertisements --

Wala pang planong magretiro sa pagsali sa Olympics si two-time Olympic medalist Nesthy Petecio.

Sinabi nito na tila nabitin ito noong sumabak sa Paris Olympics kung saan nag-uwi siya ng bronze medals.

Dagdag pa nito na marami pa itong pagdarananan na mga qualifiers para matiyak ang muling pagsabak sa Olympics.

Giit pa ng Davao del Sur na hindi ito titigil hanggang walang gintong medalyang maiuwi mula sa Los Angeles Olympics.

Sisimulan na nito ang pagsasanay sa Enero kung saan isasagawa ito sa Baguio City.

Sa mga susunod rin na buwan ay magkakaroon ng iba’t-ibang torneo na kaniyang sasalihan.