-- Advertisements --

Nagtapos lamang sa bronze medal si Pinay boxer Nesthy Petecio matapos na talunin siya ni Julia Szeremeta ng Poland sa women’s 57 kgs. division semifinals ng Paris Olympics.

Sa unang round ay hawak ni Petecio ang majority ng scoring habang sa second ay bumawi ang Polish boxer.

Pinilit pa ni Petecio na paulanan ng suntok si Szeremeta subalit naging mailap at tumindi ang depensa.

Sa huli ay iginawad ng mga judges ang split decision na panalo kay Szeremeta.