-- Advertisements --

Nagwagi si Pinay boxer Nesthy Petecio sa women’s 57 kgs. round of round sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

Nakuha ni Petecio ang unanimous decision laban kay Jaismine ng India sa laban nila nitong madaling araw ng Hulyo 31.

Mula sa una hangang sa last round ay dominado ni Petecio na silver medalist noong Tokyo Olympics ang laban.

Sinabi nito na pinag-aralang mabuti nito ang mga galaw ng Indian boxer at desidido nito na makakuha ng gintong medalya.