-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng Women’s 57 kg. divisioin si Pinay boxer Nesthy Petecio.

Ito ay matapos na talunin niya si Amina Zidani ng France sa Round 16 sa pamamagitan ng majority decision.

Sa unang round ay hawak ni Zidani ang kalamangan at pagpasok ng second round ay hati ang puntos sa mga judges.

Hindi na hinayaan ni Petecio na masayang ang paghihirap kaya pagpasok ng thrid round ay pinaulanan nito ng mga suntok ang kalabang boksingero ng France.

Inamin ng Tokyo Olympics silver medalist na nahirapan siya sa laban kaya may mga plano silang ipinagana sa last round para manalo sa laban.

Nagpasalamat ito sa mga Pinoy fans na nanood ng laban.