Nagtagumpay ang isang 17-year-old Filipino speed skater na si Peter Groseclose na makapag-uwi ng bronze medal sa International Skating Union Junior World Cup 2 na ginanap sa bansang Bormio, Italy.
Masayang ibinahagi naman ni Nikki Cheng, ang presidente ng Philippine Skating Union na ang pagkapanalong ito ay ang siyang kauna-unahang medalya ng Pilipinas sa naturang kompetisyon.
Pangatlo si Groseclose sa nakakumpleto ng 500-meter race matapos siyang maunahan nila Koo Miseung ng Korea na nagwagi ng gold medal habang pangalawa namang nakasungkit ng silver medal si Victor Chartrand ng Canada.
Maaalala noong Enero sa kasalukuyang taon ay nabigong makakuha ang Filipino speed skater ng medalya dahil sa hindi inaasahang collision crash ng isang Chinese competitor na naging sanhi upang maapektuhan ang kanyang pagkapanalo.
Gayunpaman, nakabawi naman ang Filipino speed skater at patuloy na ang isinasagawang paghahanda para sa Olympic qualifying events na kanyang sasalisahan sa susunod na taon. (Report/ news Item by Bombo Grant Hilario)