Ibinasura ng Korte Suprema ang petition for mandamus para hilinging obligahin si Pangulong Rodrigo Duterte na idepensa ang teritoryo ng bansa kabilang na ang West Philippine Sea.
Base sa siyam na pahinang desisyo, unanimous o lahat ng mga mahistrado ang bumoto para ibasura ang petisyon dahil sa kawalan ng merito.
Sa desiyong may petsang November 22, ibinasura ng kataas-taasang hukuman ang petisyon ng abogadong si Romeo Esmero.
Ipinunto ng Supreme Court (SC) na immune from suit o hindi puwedeng kasuhan ang presidente habang ito pa ay nanunungkulan kahit ano pang kaso ang isampa sa kanya.
Sa petisyon, tanging ang Pangulong Duterte lamang ang correspondent sa kaso kaya naman kailangang agad itong ibinasura.
Paliwanag pa ng SC, kahit daw ikonsidera ang kaso laban sa isang representative, ang mandamus na siyang ginamit para obligahin ang aksiyon ng pangulo ay hindi pa rin ito papabor sa petitioner.
“For a petition for mandamus to prosper, it must be shown that the subject of the petition is a ministerial act or duty on the part of the board, officer or person, and·that the petitioner has a well-defined, clear and certain right to warrant the grant thereof,” ayon sa Supreme Court.
Dagdag ng high court, malaya naman daw ang Pangulong Duterte na gamitin ang kanyang diskresyon para aksiyunan ang sigalot sa pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.