-- Advertisements --

Naghain ng petisyon sa Calbayog City Regional Trial Court ang isang abogado at Overseas Filipino Worker na naglalaman ng pagtutol sa pagpapapasok ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas.

Pinakiusapan din ng ni Atty. Fernando Perito at ng OFW na si Joseph Forrosuelo ang deportation ng mga imbestigador, opisyales, o sino man taong may kaugnayan sa ICC.

Sa 12 na pahina ng petisyon, dinepensa ng dalawa na ang pagsisiyasat at paglilitis patungkol sa giyera kontra droga ay dapat na maging alinsunod sa batas ng bansa.

Huwag aniya magpagapi ang pamahalaan sa posibleng pangongontrol ng ICC sa proseso ng ng paglilitis at pangingialam sa batas ng republika.

Ayon din sa petisyon na hindi dapat magpadala sa propaganda ng ICC sa pag-uusig si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit ni Atty. Perito at Forrosuelo na “exaggerated hyperbole” lamang ang mga akusasyon sa dating pangulo.

Hinamon pa ng abogado at OFW ang human rights advocates na patunayan ang tinalang 30,000 na pinatay noong war on drugs campaign.

Kinlaro naman ng Department of Justice na walang jurisdiction sa bansa ang ICC simula nang magwithdraw ito bilang member state.