Tatalakayin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bukas, Pebrero-19, ang petisyon ng transport sector na pagtaas sa minimum jeepney fare ng hanggang sa P15.00.
Ayon kay LTFRB Technical Division Head Joel Bolanos, ang naturang petisyon ay ang dati pang nakabinbin mula noong 2023 kung saan nagbigay lang ang Board ng provisional increase.
Sa taong iyon aniya, nananatili pang mataas ang presyo ng fuel at ang hiniling na pamasahe ay P17.00.
Mula noong October 2023, ang minimum fare para sa traditional jeepney ay P13.00 habang P15.00 naman ang minimum fare para sa modern jeepney.
Ayon sa LTFRB, naiintindihan nito mga hamong kinakaharap ng transport sector at ang pangangailangang balansehin ang fare increase at ang impact nito sa mga commuter.
Una nang sinabi ng board noong Enero-21, 2025 na nirerepaso na nito ang fare hike proposal.
Tiniyak naman ng LTFRB na tuloy-tuloy itong magsasagawa ng public hearings at mga konsultasyon para matiyak ang transprency at inclusivity sa pagdedesisyon para sa fare hike.