-- Advertisements --
Pagpupulungan na ngayon araw ng Land Tranportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
ang petisyon na taas presyo sa minimum fare sa mga pampublikong transportasyon.
Ito ay matapos ang sunud-sunod na big time oil price hike sa bansa na nagiging dahilan ng pag aray ng ilan sa ating mga kababayan lalo na ang mga operator at tsuper ng mga public utility vehicles (PUV).
Ilan sa mga kahilingan ng mga operator at driver ng mga jeep ay ang ibalik na sa P10 ang minimum fare sa mga pampublikong transportasyon.
Sinabi naman ni LTFRB chairperson Atty. Martin Delgra III, kabilang sa mga nakatakdang talakayin sa nasabing pagpupulong ang hirit na limang pisong dagdag pasahe sa mga jeep.