-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pagpapakita umano sa kaduwagan ni Vice President Sara Duterte ang paghahain ng petisyon sa Korte Suprema ng mga abogado galing sa Mindanao upang ipahinto ang impeachment complaint laban sa besi president.

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers o ACT Partylist Representative France Castro, ang ginawa umano ng mga abogado ay kanilang pinipigilan ang mayorya ng taumbayan na naghahanap ng accountability sa besi presidente na nagpapakita umano na duwag itong harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Iginiit pa ni Congresswoman Castro na ang impeachment trial ay syang proper forum na sinabi ng bise presidente na doon lamang siya haharap at sasagot at hindi sa pagdinig na ginawa ng House of Representatives.

Sa pananaw nito ay mababasura lamang ang petisyon nang nasabing grupo dahil kailangan ng masimulan ang impeachment trial.