Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag para i-dismiss ang mga kasong murder na isinampa laban sa kaniya kaugnay sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid noong Oktubre 2022.
Sa 4 na pahhinang desisyon na inilabas noong Hunyo 19, pinagtibay ng second division ng CA ang kautusan ng Las Piñas Regional Trial Court (RTC) na nagbabasura sa motion to quash ni Bantag sa mga kaso at warrant na inisyu para sa kaniyang pagkakadakip.
Hinamon ni Bantag ang desisyon ng RTC sa pagkatwiran na walang awtoridad o hurisdiksiyon ang Department of Justice para maghain ng murder charges laban sa kaniya.
Sinabi din ng dating BuCor chief na ang Sandiganbayan ang may hurisdiksiyon sa kaso dahil siya ay BuCor chief nang ma-commit ang umano’y krimen.
Base naman sa korte, hindi sinunod ni Bantag ang procedural rules sa paghahain ng petition for certiorari dahil nabigo iyong makapag-secure ng conformity ng Office of the Solicitor General.
Kung matatandaan, humaharap si Bantagh sa iba pang murder compalint sa Muntinlupa court para as pagpatay sa preso sa Bilibid na si Jun Villamor, na umano’y nagsilbing middleman sa pagpaslang kay Lapid.
Nag-isyu na rin ang korte ng Las Pinas at Muntinlupa ng arrest warrant para sa pag-aresto kay Bantag.