Natanggap ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon na humihiling para i-diskwalipika ang nakakulong na si KOJC founder Apollo Quiboloy sa Senatorial race sa 2025 midterm elections.
Ang complainant sa petisyon ay si labor leader Sonny Matula na tumatakbo din sa pagka-Senador sa ilalim ng Workers’ and Peasants’ Party (WPP).
Sa petisyon ni Matula, inireklamo nito ang pastor para sa misrepresentation ng kaniyang sarili bilang Senatorial candidate sa ilalim ng kanilang Partido. Aniya, ang indibidwal na lumagda sa nomination papers ni Quiboloy ay hindi lehitimong opisyal ng kanilang partido.
Ayon naman kay Comelec Chiarman George Erwin Garcia, pag-aaralan ng poll body ang naturang reklamo subalit base aniya sa jurisprudence, maaari pa ring payagan umano si Quiboloy na tumakbo bilang independent candidate sakali man na mapatunayang nagsinungaling nga si Quiboloy sa kaniyang political party.