-- Advertisements --
comelec substitution

Muling pinanindigan ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang posisyon na hindi dapat ipagpaliban ang halalan sa 2022 sa taong 2025.

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na paglabag sa batas ang pagpapaliban sa halalan sa susunod na taon.

Maliban dito, wala rin daw kapangyarihan ang komisyon na suspendehin ang pagsasagaw ang halalan.

Paliwanag ng tagapagsalita ng Comelec, puwedeng suspendehin ang halalan pero sa maiksing panahon lamang at kapag mayroon daw hadlang sa malaya at patas na election.

At kung pagbabasehan ang kasalukuyang sitwasyon, hindi pa raw pasok ang naturang criteria sa pagpapaliban ng halalan kaya naman wala raw siyang nakikitang justification para pagbigyan ang hirit na postponment ng halalan sa susunod na taon.

Dahil dito, ngayon pa lamang ay siniguro ni Jimenez na hindi na uusad ang petisyong humihirit na ipagpaliban ang halalan.

Kung maalala, noong Biyernes ay naghain ang Coalition for Life and Democracy ng petisyon para ipahinto ang May 2022 elections hanggang 2025 dahil daw sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Isasagawa ang halala sa May 9, 2022.