-- Advertisements --

Nakakuha ng mahigit 200,000 na pirma sa loob lamang ng dalawang araw ang online petition na nananawagan sa pagkansela ng Tokyo Olympics.

Ang nasabing petisyon ay naka-address sa International Olympic Committee President Thomas Bach, Japanese Prime Minister Yoshihide Suga at ibang mga opisyal ng Tokyo Olympics.

Pinangunahan ng abogadong si Kenji Utsunomiya ang nasabing online petisyon kung saan kinakatakutan nila dito ay ang pagkalat pa rin ng COVID-19.

Magugunitang nagdesisyon ang mga organizers na lilimitahan lamang ang mga delegado at kasama ng mga atleta na sasabak sa Olympics.

Maging ang mga atleta tuturukan ng COVID-19 vaccine para hindi makahawa.