Inihain ang ikaltong petisyon sa Korte Suprema kumukuwestiyon sa paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa national treasury.
Pinangunahan ni dating SC associate justice at 1Sambayan convenor Antonio Carpio ang ikatlong petisyon kung saan ang ginawa na itong gobyerno ay labag sa saligang batas.
Sinabi nito na marapat na sumunod ang gobyerno sa sinasabi ng konstitusyon.
Kasabay din nito ay hiniling ng grupong Bayan Muna sa Korte Suprema na dapat ipatupad ang temporary restraining order sa paglilipat ng pondo ng Philhealth.
Nitong nakaraang Agosto ay nanguna si Senate Minority Leader Koko Pimentel at ilang sektoral group ganun ding mga concern citizens na kumukuwestyon sa paglilipat ng sobrang pondo.
Una ng niremitt ng PhilHealth sa national treasury ang P13 milyon sa ikatlong tranche kung saan sa buwan naman ng Nobyembre ay ililipat ang P29-B.
Una ng nanindigan si Finance Secretary Ralph Recto na pinapayagan ng batas ang nasabing hakbang.