Hiniling ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema na ibasura ang naunang petisyon na nagpapa deklarang unconstitutional sa 2025 national budget o Republic Act 12116.
Partikular na rito ang 2025 General Appropriations Act.
Batay sa 89 na pahinang komento ng OSG, iginiit nito na ang naturang petisyon ay hindi sumunod sa tamang proseso at walang merito o matibay na batayan.
Nabatid na ang OSG ang tumatayong abogado o kumakatawan ng mga government officials na respondents sa petisyon kabilang na dito ang Kamara at Senado.
Maaalalang abilang naman sa mga naghain ng petisyon sa Korte Suprema ay sina Vic Rodriguez, Davao City Representative Isidro Ungab, Rogelio Mendoza, Benito Ching Jr., Redemberto Villanueva, Roseller dela Peña, Santos Catubay, at maging si Dominic Solis.