Agad ibinasura ng Supreme Court (SC) sa en banc session ngayong araw ang petisyon na inihain ng mga investors ng KAPA Community Ministry International Inc. na Rhema International Livelihood Foundation Inc., na nagpasaklolo sa Korte Suprema matapos ipag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara rito.
Sa isinagawang deliberasyon ng SC en banc, nagdesisyon ang mga ito na agad i-dismiss ang petisyon na inihain ng KAPA laban sa Malacañang at Securities and Exchange Commission (SEC) dahil bigo umano ang KAPA na maabot ang first base ng deliberations sa high court dahil sa kawalan ng merito.
Partikular umano rito ang comment-reply kaya naman agad ibinasura ang hirit ng mga investors.
Sa petisyon ng grupo nais nilang pagbayarin si Pangulong Rodrigo Duterte at SEC Chairman Emilio Aquino ng P3 billion bilang danyos.
Maliban dito, nais din ng grupo na mapatalsik ang Pangulo sa pwesto sa pamamagitan daw ng impeachment complaint dahil sa paglabag sa Konstitusyon partikular ang culpable violation ng Article II ng Sec. 6 at Article III o ang Bill of Rights of the Philippine Constitution.