-- Advertisements --
Plano ng petitioners sa pagkandidato ni Apollo Quiboloy na iparating sa Korte Suprema ang kanilang petisyon para tuluyang harangin ang pagkandidato nito.
Sinabi ni Labor leader Sonny Matula, na gagawin nila ang nasabing hakbang para mabaligtad ang naging desisyon ng Commission on Election.
Pinagtibay kasi ng Comelec na hindi nuisance candidate si Quiboloy kaya maaari itong tumakbo.
Giit ni Matula na dapat hindi namimili ang COMELEC dahil sa idineklarang nuisance candidate ang kapartido nito na tumatakbong senador na si Sultan Subair Mustapha mula sa Marawi.
Samantalang noong 2022 ay pinayagan ng Comelec si Mustapha na tumakbo bilang congressman.