-- Advertisements --

Maaari umanong malagay sa alanganing sitwasyon ang mga petitioner at abogadong nagsulong ng Writ of Kalikasan sa West Philippine Sea.

Ito ang naging pahayag ni Solicitor General Jose Calida, matapos tuldukan na ang oral arguments sa Korte Suprema.

Ayon kay Calida, bagama’t dismissed in principle na ang usapin, may panibagong mga problema pang kakaharapin ang mga petitioner na si Monico Abogado at mga kasamahan nito.

Lumitaw kasi na may misrepresentation sa panig ng mga mangingisda at residente ng Kalayaan, Palawan at Sitio Kinabukasa sa Cawag, Zambales, dahil ginamit pa rin ang pirma ng 19 na nag-withdraw na sa kaso.

Kahapon ay sinuspinde na ang hearing at nagkaroon pa ng executive session ang high tribunal.

Habang sa Biyernes ay pinasusumite ng mosyon ang magkabilang panig at inaasahang dedesisyunan iyon ng mga mahistrado sa darating na en banc session sa Martes.