-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating Petro Gazz Angel player na si Janisa Johnson sa edad 32.

Kasunod ito ng pakikipaglaban niya sa colon cancer ng ilang taon.

Si Johnson na Premier Volleyball League (PVL) champion na naglaro sa Petro Gazz Angels noong 2019 Reinforced Conference.

Na-diagnosed ang kaniyang sakit noong 2019.

Nagpaabot naman ng kanilang pakikiramay at pagdarasal ang ilang mga sikat na volleyball players ng bansa at ilang mga atleta.