Pinipilahan ng mga drivers ng mga pribado at pampublikong sasakyan ang ipinatupad na bigtime oil price rollback ng Petro Gazz sa may JC Aquino corner Ochoa Avenue sa lungsod ng Butuan nang sinimulan ito ngayong araw hanggang sa Linggo, Marso 13.
Aabot ng P5.85 ang ibinaba ng kada-litro ng kanilang diesel habang P3.60 naman ang kada-litro ng kanilang gasolina.
Dahil dito ay aabot na sa P56.10 ang presyo ng kada-litro ng kanilang diesel habang sa gasolina naman ay P61.18 ang kada-litro ng kanilang regular ang P61. 48 naman ang kanilang special.
Ayon kay intra-city route driver Jason Montero nga bumibiyahe sa route 10, dahil sa labis na pagmahal sa presyo ngayon ng gasolina, natural lang na maghahanap sila umano siya.
Para naman sa motoristang si Eufemio Duhilag na taga-Buenavista, Agusan del Norte, makakatulong na sa kanya ang roll back lalo na’t araw-araw siyang umuuwi mula sa trabaho dito sa lungsod.
Kanyang inihayag na dahil sa sobrang mahal ngayon ng gasolina ay hindi na pupwede ang gala at concentrate na lang siya sa kanyang trabaho.