-- Advertisements --

Magpapatupad ng dagdag presyo sa bawat tangke ng liquefied petroleum gas epektibo sa Nobyembre 1.

Ayon sa Petron, mayroong P3.20 kada kilo o katumbas ng P35.2 na pagtaas sa kada 11-kilogram na tangke ng LPG.

Magtataas din ng P1.79 sa kada litro ng AutoLPG.

Itinuturong dahilan ng pagtaas ay ang international contract price ng LPG.