-- Advertisements --

Nagpatupad ng big-time rollback sa kanilang liquefied petroleum gas (LPG) ang kumpanyang Petron.

Epektibo ngayong Mayo 1, 2022 ay mayroong bawas na P5.75 kada kilogram ng mga household LPG.

Katumbas ito ng P63.25 kada typical na 11-kilogram cylinder na Gasul LPG.

Base kasi sa datos ng Department of Energy (DOE) na ang retail price ng 11-kilogram na LPG tank ay nagkakahalaga mula P915.75 at P1,135.75.

Kasabay din nito ay inanunsiyo ng Petron ang bawas presyo ng kanilang AutoLPG ng P3.22 kada litro.