-- Advertisements --

Tinitingnan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na makuha ang $100 billion na investment deal mula sa US at Japan.

Ito ay may kaugnayan sa electronics, renewable energy, agriculture, logistics, at port infrastructure development projects.

Ayon kay PEZA Director-General Tereso O. Panga, ang naturang projection ay batay na rin sa pagpapakita ng interest ng maraming mga investors mula sa dalawang nabanggit na bansa kung saan may malaking potential ang Pilipinas sa mga naturang sektor.

Inihalimbawa ni Panga ang Luzon economic corridor na kokonekta sa Subic Bay, Clark, Manila, at Batangas na tiyak aniyang sasamantalahin ng mga malalaking investors.

Sa ilalim ng Luzon Economic Corridor, posible aniyang mamuhunan ang mga investors sa mga high-impact infrastructure projects at iba pang proyekto na tiyak ding pakikinabangan ng bansa.