Tiwala ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na kanilang maabot ang taunang investment target sa bansa.
Sinabi ni PEZA director general Tereso Panga, na kahit na mababa ang unang semester ng investments na naaprubahan ng PEZA ay hindi nawawala ang kanilang tiwala na maabot ang P200 bilyon hanggang P250 bilyon na annual investment.
Sa unang semester kasi ay umabot lamang P45.48-B ang mga investments na kanilang naaprubahan na 44 percent na mas mababa sa P80.59-B noong nakaraang taon sa parehas na buwan.
Naniniwala din ang opisyal na kayang maabot ang investment approval goal ngayong taon dahil na rin sa projections ng maraming mga economista at ang credit ratings ng mga institusyon na ang ekonomiya ay gaganda sa ikalawang bahagi ng taon.