-- Advertisements --

Naniniwala ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na sa pagtatapos ng 2024 ay magkakaroon ng approved investments ng nasa P215 bilyon na siyang pinakamataas sa loob ng pitong taon.

Sinabi ni PEZA director general Tereso Panga, na target nilang madagdagan ng siyam hanggang 10 percent na pagtaas ng investment approval sa susunod na taon matapos ang pag-apruba ng CREATE MORE at bagong free trade agreement sa South Korea.

Inaasahan din nila ang nasa P7.07-B na halaga ng proyekto sa mga ecozone development at P6.38-B na halaga ng locator projects.

Ang investment approval sa 11-month period ay mas mataas din kumpara noong 2023 na nagkakahalaga ng P175.71-B.