Nakapagtala pa rin ang Philippine Fisheries Development Authority ng aabot sa 38,780.63 metric tons ng isda na idiniskarga sa mga regional port nitong Enero
Ayon sa ahensya , ito ay nangangahulugan lamang na nananatiling sapat ang supply ng isda sa kabila ng mga off-season fishing at mga pag-ulan noong nakalipas na buwan.
Tinukoy ng ahensya ang Lucena Fish Port Complex at Philippine Fisheries Development Authority-Zamboanga Fish Port Complex sa mga nakapagtala ng positibong numero .
Aabot naman sa 8.17% ang huling isdang nadiskarga sa South-Central Luzon Port.
Ito ay katumbas ng 1,645.61 MT ng isda.
Ang Western Mindanao Port naman ay nakapagtala ng 857.75 MT ng isda katumbas ng 10.97% na pagtaas.
Samantala, umaasa naman ang Philippine Fisheries Development Authority na mas lalo pang titibay ang suplay ng isda mga susunod na buwan .