Tiniyak ng Philippine Football Federation (PFF) na hindi magbabago ang mga programa at adhikain ng FILIPINAS ang women’s national football team ng bansa.
Kasunod ito ng pagbibitiw sa puwesto ni Jeff Cheng ang team manager ng women’s football team.
Ayon kay PFF director of national teams Freddy Gonzalez na ang pagbibitiw ni Cheng ay walang mabigat na epekto sa national team ng bansa.
Kanilang ipagpapatuloy ang mga nasimulan at kasalukuyang ipinatupad na programa ng nagbitiw na team manager.
Si Cheng ang nasa likod kung bakit nakapasok ang Filipinas sa Women’s World Cup kung saan tinalo nila ang isa sa mga host na New Zealand.
Nagbitiw si Chen ilang buwan matapos na mahalal ng PFF si John Gutierrez bilang pangulo na pumalit kay Mariano “Nonong” Araneta Jr nagsilbi ng dalawang termino na tig-apat na taon kada termino.
Sa ilalim n Araneta ng sumikat ang football bansa kung saan nakilala ang Azkals.