-- Advertisements --

Aminado si Philippine Football Federation (PFF) director for national teams Freddy Gonzalez na nahaharap ito sa malaking hamon sa pagbuo ng Philippine squad na sasabak sa Mitsubishi Electric Cup sa susunod na linggo.

Lalahok kasi ang Philippine men’s national football team (PMNFT) sa ASEAN Championship sa mga susunod na linggo.

Makakaharap nila ang Myanmar sa Disyembre 12, Laos naman sa Disyembre 15, Vietnam sa Disyembre 18 at ang Indonesia naman sa Disyembre 21 sa group stage.

Sinabi ni Gonzales na maituturing na isang milagro kung mabuo nito agad ang koponan dahil sa ipagpapaalam pa nila ang mga ito sa kani-kanilang mga mother’s club.

Mula pa noong nakaraang linggo ay ito na ang hamon na kanilang hinaharap kung paano gawan ng paraan na mapunan ang ilang bakanteng puwesto para sa mga manlalaro na hindi payagan ng mga mothers club.

Doble kayod sila ngayon para makabuo ng koponan kung saan tiwala ito na sa susunod na linggo ay mayroon ng mga manlalaro ang kanilang isasabak.