Sisimulan na ng Pfizer-BioNTech ang paggawa ng COVID-19 vaccine sa South Africa.
Ang nasabing hakbang aniya ay para magkaroon ng mga doses sa African continent sa susunod na taon.
Kapag ito ay fully operational ay inaasahan na makakagawa sila ng mahigit 100 milyon doses sa loob ng isang taon at ito ay eksklusibong ipapamahagi sa mga bansa sa Africa.
Ayon sa kumpanya na pumirma sila ng letter of intent sa Biovac Institute sa Cape Town para sa paglilipat ng mga teknolohiya, maglagay ng equipment at magsagawa ng manufacturing capability.
Manggagaling umano ang mga raw materials sa Europe at sisimulan ang paggawa ng bakuna sa 2022.
Naging mababa ang vaccination rates kasi sa buong Africa kung saan mayroong mahigit 20 milyon katao lamang ang nabakunahan na sa kabuuang 1.3 bilyon na populasyon nila ayon na rin sa datos ng World Health Organization (WHO).