-- Advertisements --

Pormal nang nagsumite ng kanilang aplikasyon ang Pfizer-BioNTech sa gobyerno para sa emergency use authorization ng kanilang COVID-19 vaccine para sa mga batang may edad lima hanggang 11-anyos.

Sinabi ni Food and Drugs Administration (FDA) Director-General Eric Domingo na kasalukuyang nagsasagawa ng pagsusuri ang kanilang eksperto.

Inaasahan na hanggang sa katapusan ng buwang ito ay matatapos ang kanilang evaluation.

Sakaling maaprubahan nila ito ay posible sa Enero masisimulan na ang paggamit ng bakuna sa nasabing mga edad dito sa Pilipinas.