-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng kumpanyang Pfizer-BioNTech na nananatiling nasa 100 percent ang bisa ng kanilang COVID-19 vaccines na itinurok sa mga batang edad 12 hanggang 15 anyos matapos ang apat na buwan.
Ito aniya ang lumabas sa bagong data na kinabibilangan ng 2,228 na mga participants.
Wala aniya ding mga problema sa pangkaligtasan ang nakita sa mga indibidwal sa loob ng anim na buwan matapos ang pagturok ng ikalawang dose.
Sinabi ni Pfizer CEO Albert Bourla na ang nasabing bagong data ay nagpapatunay na ligtas at epektibo ang kanilang bakuna laban sa COVID-19.