-- Advertisements --

Nagkakaroon pa rin ng proteksyon laban sa Omicron variant ang pagturok ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine ng kumpanyang Pfizer-BioNTech.

Ayon sa isinagawang pag-aaral ng Discovery Health ang pinakamalaking private health insurance administrator sa South Africa na nagbibigay pa rin ng 70% ang pagtuturok ng dalawang doses ng nasabing mga bakuna.

Ibinase nila ito sa 211,000 positive COVID-19 test results mula Nobyembre 15 hanggang Disyembre 7.

Nabawasan din ang bilang ng mga naitatakbo sa pagamutan mula ng turukan ang mga ito ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer BioNTech.