-- Advertisements --
Itinanggi ng chief executive officer ng Pfizer ang alegasyon ni US President Donald Trump na itinaon nila ang pag-anunsiyo ng kanilang COVID-19 vaccine ay epektibo matapos ang halalan.
Ayon kay Alber Bourla, ang CEO ng nasabing kompaniya, nitong Lunes lamang niya nalaman na 90% epektibo ang kanilang bakuna.
Dagdag pa nito na ang trial results ay isinasagawa ng independent committee.
Magugunitang inakusahan ni Trump ang nasabing drug company at US Food and Drug Administration, ganon din ang Democratic party na sinadyang patagalin ang pag-anunsyo ng resulta ng nasabing bakuna.
Isa kasi sa pangako ni US President Trump sa kasagsagan ng kampanya na magkakaroon na ng bakuna sa COVID-19 nitong Nobyembre.