-- Advertisements --
Nakatakdang magsagawa ng clinical test ang Pfizer ng kanilang third dose COVID-19 vaccines sa mga edad lima-pababa.
Ito ay para makita kung ang low dosage na kanilang bakuna ay magiging epektibo sa mga maliliit na bata at kung magbibigay ito ng parehas na protections sa mga mas matandang kabataan.
Aabot lamang sa tatlong micrograms per injections ang kanilang ituturok sa mga batang edad anim na buwan hanggang limang taon gulang.
Sa mga bata kasi na nasa edad dalawang taon hanggang limang taon ay mayroong 10 micrograms na bakuna na nagdulot ng lagnat sa mga ito kaya minabuti nila na bawasan ito.
Hindi rin nito babaguhin ang plano nila na maghain ng emergency use authorization sa US sa unang anim na buwan ng 2022.