-- Advertisements --
Nakakabawas ng pagkakahawa ng virus ang COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer.
Ito ang naging pagsusuri na isinagawa ng Israel.
Ayon sa Health Ministry ng bansa na ang bakuna na gawa ng Germany BioNTech ay nagbabawas ng infection kabilang na dito ang mga asymptomatic cases ng 89.4% habang 93.7% naman sa symptomatic.
Ang nasabing pag-aaral ay base sa national database.
Nauna rito sinabi ng US Food and Drugs Administration mula sa data sa mga trials na ang bakuna ay nagbibigay na ng proteksyon bago pa lamagn iturok ang ikalawang dose nito.