MANILA – Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech sa mga indibidwal na 12 hanggang 15-anyos sa Pilipinas.
JUST IN: The Food and Drug Administration has amended the emergency use of Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine allowing individuals aged 12 to 15 years old to be vaccinated. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/ccVPIVOvIC
— Christian Yosores (@chrisyosores) June 8, 2021
Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) kasunod ng aplikasyon ng kompanya noong nakaraang buwan.
Kung maaalala, noong Enero nang unang gawaran ng emergency use authorization (EUA) sa Pilipinas ang bakuna na dinevelop ng Amerika at Germany.
Pero limitado lang noon sa mga 16-anyos pataas ang paggamit ng naturang bakuna.
“Based on the totality of evidence available to date, including data from adequate and well- known controlled trials, it is reasonable to believe that the PfizerBioNTech COVID-19 Vaccine may be effective to prevent, diagnose, or treat COVID-19.”
Mas matimbang din daw ang potensyal na benepisyo ng Pfizer vaccine, kumpara sa mga potensyal na panganib nito.
Noong nakaraang buwan nang gawaran ng US FDA ng emergency use ang Pfizer vaccine sa mga 12 to 15-years old na indibidwal.
Batay sa datos na isinumite ng kompanya sa regulatory office, 100% na epektibong panlaban sa COVID-19 infection ng naturang populasyon ang Pfizer vaccine.
“Among participants without evidence of prior infection with SARS-CoV-2, no cases of COVID-19 occurred among 1,005 vaccine recipients and 16 cases of COVID-19 occurred among 978 placebo recipients,” ayon sa US FDA.
Ikinatuwa ng DOH ang pag-apruba ng FDA sa emergency use ng Pfizer vaccine sa mas malawak na populasyon.
Gayunpaman, nilinaw ng ahensya na dahil limitado pa rin ang supply ng bakuna sa Pilipinas ay mananatiling prayoridad ang mga “high risk” na indibidwal.
“While we welcome more vaccines that are approved for children and adolescents, due to limited vaccine supply, our vaccination strategy remains the same — prioritize the vulnerable and adhere to our prioritization framework,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Payo naman ng opisyal, sakaling umpisahan na ang pagbabakuna sa mga menor de edad ay dapat magpa-konsulta muna sila sa doktor bago turukan ng COVID-19 vaccine.
“The general consensus of our vaccine experts is to revisit pediatric and adolescent vaccination once our vaccine supply has stabilized. Vaccine Cluster through Sec Charlie is doing all they can to secure the doses necessary to vaccinate the eligible population for free.”
Noong nakaraang buwan nang matanggap ng Pilipinas ang unang batch ng Pfizer vaccines mula sa COVAC Facility ng World Health Organization.
Ngayong buwan may inaasahan pang delivery ang bansa mula rin sa COVAX Facility.