Pinag-aaralan ng Pfizer-BioNtech na kumuha ng authorization sa FDA para sa pagbabakuna ng ikatlong dose o booster dose ng kanilang covid vaccine laban sa orihinal na COVID-19 at iba pang variants.
Kasunod ito ng magandang resulta ng inisyal na datos sa nagpapatuloy na trial kung saan lumalabas na 5 to 10 times na nakapagbibigay ng mas mataas na antibody level ang third shot ng Pfizer vaccine laban sa orihinal na COVID-19 at Beta variant na unang nadiskubre sa South Africa.
Base sa pag-aaral na isinagawa sa Israel, kakailanganin ang ikatlong dose ng Pfizer anim hanggang 12 buwan matapos ang full vaccination.
Umaasa din ang vaccine manufacturer na ang third dose ng Pfizer ay magiging mabisa kontra sa variants of concern na Delta variant.
Sa ngayon may dini-develop din na partikular na bakuna ang kompaniya panlaban sa Delta variant, ito ang unang batch ng bakuna na ginawa sa BioNTech facility sa Mainz, Germany.
Inaasahang maglalabas ng mas definite na datos hinggil sa trial sa third dose ng Pfizer vaccine at planong magsumite ng datos a Food and Drug Administration, European Medicines Agency at iba pang regulatory authorities sa mga susunod na lingo. (with reports from Bombo Jane Buna)