-- Advertisements --

Inanunsyo ng kompaniyang Pfizer na nakatakda na silang magsumite ng emergency use authorization para sa kanilang COVID-19 vaccine.

Ayon sa CEO ng Pfizer na si Albert Bourla, ito ay matapos makakolekta na sila ng safety data na siyang requirement ng US Food and Drug Administration (FDA).

Pfizer alber bourla

Gayunman, hindi pa raw nito matiyak kung kaya itong maisumite ngayong linggo.

Nabatid na sinimulan na ng Pfizer ang kanilang pilot program sa pagtuturok ng COVID vaccine sa apat na estado sa Amerika, na kanilang napili base sa dami at lawak ng populasyon ng mga ito.