-- Advertisements --
Inaasahan na ng kumpanyang Pfizer na tataas ang bilang ng mga bibili ng kanilang mga COVID-19 vaccines sa mga susunod na taon.
Sa unang tatlong buwan kasi ng 2021 ay umabot sa $3.5 bilyon ang kanilang kabuuang kita.
Nagkumahog kasi ang maraming bansa para tuluyang masawata ang pagkalat ng COVID-19.
Ngayon taon lamang ayon sa kumpanya ay mayroon ng 1.6 bilyon na kontrata ang kanilang napirmahan para ito ay ideliver sa iba’t-ibang bansa.
Sinabi ni Pfizer chief executive Albert Bourla na bukod sa COVID-19 vaccine ay inaasahan nila na tataas pa rin ang demand ng mga flu vaccines.