-- Advertisements --
Pfizer vaccine covid
COVID vaccine (Pfizer photo)

Inanunsiyo ng kompaniyang Pfizer Inc. na mayroong mahigit 90% na nakakagaling ang kanilang bakuna laban sa COVID-19.

Dahil dito ay naging unang drugmakers ang Pfizer at German partner nitong BioNTech SE na naglabas ng matagumpay na data mula sa isinagawa nilang malawakang clinical trials ng coronavirus vaccine.

Ayon kay Albert Bourla, ang chairman at chief executive ng kompaniya, isang matagumpay na araw ang nasabing magandang development ng bakuna.

Dagdag pa ng kompaniya, wala silang nakitang anumang seryosong problema sa nasabing trial.

Umaasa ang Pfizer na makakakuha sila ng US authorization ngayong buwan para sa emergency use ng bakuna.

“The results demonstrate that our mRNA-based vaccine can help prevent COVID-19 in the majority of people who receive it. This means we are one step closer to potentially providing people around the world with a much-needed breakthrough to help bring an end to this global pandemic. This is a first but critical step in our work to deliver a safe and effective vaccine,” ani Albert Bourla ng Pfizer.

Mayroong $1.95 billion na kontrata ang Pfizer at BioNTech sa US government na magbibigay ang 100 milyong bakuna.

Bukod sa US ay mayroong kontrata rin ang nasabing kompaniya sa European Union, United Kingdom, Canada at Japan.